Nagdagsaan na  sa Candon City Arena ang mga bisita  mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas upang dumalo sa kick-off ng National Teachers Month ngayon Setyembre 5, 2024. Inaasahang may  mahigit  5,000 bisita ang dadalo kasama na ang mga opisyales ng deped mula national, regional, provincial at local na pamahalaan.

Makikita sa labas ng Candon City Arena ang mga gurong sumasayaw mula sa dibisyon at ang marching band ng Candon National High School upang salubungin ang mga ito. Makikita sa kani-kanilang mukha ang saya at galak   na nararamdaman nila sa araw na ito.