Candon City, Ilocos Sur - Ipinahayag ni Tolentino G. Aquino, Direktor ng DepEd Regional Office 1 ang pagbati sa mga mahigit limang libong mga guro na dumalo sa pambansang Kick-off Program ng National Teachers' Month, Setyembre 5, na ginanap sa Candon City Arena.
Nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa mga guro sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa pagtuturo sa kabila ng mga hamon.
Binanggit niya ang kahalagahan ng pagdiriwang ng buwan ng mga guro sa pagbuo ng hinaharap ng mga batan Pilipino.
Kaugnay dito, binigyang-pansin din niya ang patuloy na pagkalinga sa karapatan ng mga guro at ang kanilang papel sa pag-unlad sa sistema ng edukasyon ng bansa.
Pinuri ni Direktor Aquino ang kanilang dedikasyon sa pagtupad ng kanilang responsibildad at sinumpaang tungkulin sa kahit anumang sitwasyon.
Samantala, ang mensahe ni Direktor Aquino ay nagbigay inspirasyon at pag-asa sa mga guro na dumalo sa nasabing pagdiriwang.
Matatandaang ang padiriwang ay batay sa pinirmahan ni dating pangulong Benigno Aquino na Presidential Proclamation 242 noong 2011 na nagdedeklara mula Seteyember 5 hanggang Oktubre 5 sa bawat taon ay ipagdiriwang ang buwan ng mga guro sa bansa.
Text and Photo: DepEd Candon Media Team
